Abante Tonite Interactive

Ronnie at Loisa may video na pinagsaluhan

By
2,965

‘IBA sila, ibang klase ang bidyong kanilang pinagsasaluhan,’ ang diva that you love, iyan ang tanging reaksyon sa bidyo kung saan sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay bidang-bida.

Hindi naman ito sex scandal. Mas lalong hindi batibot moment. Ang bidyo ay pwedeng tawaging ‘kili kili harutan’ dahil nga, si Loisa ay makikitang binubunutan ng mga buhok ang kilikiling maputi ni Alonte.

Pluck kete pluck ang dalaga sa kakaunting tumutubo sa makinis na armpits ng binata. Parang may aray na nararamdaman si Ronnie habang tila nasisiyahang makita ni Loisa na parang nasasaktan habang pinauubaya sa kanya ang mga kilikili.

Sa bidyo, bilang na bilang pa ni Loisa kung ilan ang mga buhok na kanyang tinanggal na may kasama pang paghimas-himas sa kilikili ni Ronnie.

So, we can therefore conclude na ang bet na bet pala ni Loisa sa lalaki ay ‘yung hindi malago ang buhok sa kilikili. Ang tanong, kung hindi malago ang armpit hairs ni Alonte, may chance kayang balahibong pusa rin ang kanyang pubic hair?

Sino kaya ang makakasagot sa question of national importance na ito?

Dahil nga sa bidyo, we can therefore conclude na mahalimuyak ang kilikili ni Ronnie at pangalawa, sadyang malapit na malapit silang dalawa ni Loisa.

Aba, kung itatanggi pa ba naman nila ang pagi­ging malapit sa isa’t isa, hindi na ako maniniwala, noh! Pambihirang pangyayari na ang lalaki ay magpapabunot ng mga buhok niya sa kilikili sa isang binibini kaya sa ganang akin, super duper close talaga silang dalawa.

Puwede ko na ring i-conclude na magsing-irog na ang dalawa dahil ang mga kaganapan na ganyan, parang sa magkasintahan o sa mag-asawa lang puwedeng mangyari.

Aminin, dear readers, kayo ba, ‘pag naglambing ang kaibigan niyong lalaki na bunutin ang mga buhok niya sa kilikili, pagbibigyan niyo ang lambing?

Ang isa pang bongga rito, kung saka-sakaling hindi papalarin si Loisa na maging major, major star, may alternative career na siya. Pwede na siyang ma­ging Bunot Buhok Sa Kilikili Princess, limang piso, isang buhok. Mas malago ang buhok ng lalaki sa kilikili, mas maraming datung si Loisa, noh. Bwahahaha!
Patok!