Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie ‘di pa sure na ‘forever’ si Loisa

0 105

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa latest vlog ni Erich Gonzales.

Napag-usapan sa naturang vlog kung sino sa kanila ang mas matindi ang pagmamahal sa isa’t isa.

Ani Loisa, sa estado nila ngayon, pakiramdam niya ay parehas lamang na matimbang ang pagmamahal na ibinibigay nila.

Dugtong pa niya, mahirap daw kasi kung ang relasyon ay one-sided at isa lang ang nagbibigay.

“Feeling ko parehas lang naman ‘yung pagmamahal,”aniya.

“Kasi feeling ko ‘yun ‘yung mahirap eh … ‘yung ‘pag may naramdaman mo na ‘Ha? Ako na lang ‘yung nagmamahal ha’.Pero ngayon sa’min nararamdaman ko naman na it’s a tie,” pahabol niya.

Gayunpaman, hindi ikinaila ni Loisa na dati ay mas expressive siya pagdating sa pagpapakita ng kanyang affection.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinahagi rin niya na kapag nagmahal ang isang tao, dapat ay iniisip din niya ang kanyang sarili.

“‘Yan ang perfect. Dapat nagtitira sa sarili ,” sey niya.

Nang tanungin naman si Ronnie kung nakikita ba niyang sila na ni Loisa ang magkakatuluyan sa hinaharap, prangka itong sinagot ng binata.

“Sa totoo lang, ako sasagutin ko, kahit sabihin kong oo, hindi mo din naman talaga masasabi,”ani Ronnie.

“Pero hangga’t kayo, iparamdam mo sa kanya na siya na talaga ‘di ba?,” dugtong niya.

Hirit naman ni Loisa, makatutulong daw na may kongkretong plano rin sa pakikipagrelasyon.

“So dapat ‘pag papasok ako sa isang relasyon, gusto ko talaga may plano, hindi ‘yung basta parang jowain lang kita para may jowa ako.

“Hindi ‘yung ganun. Iba rin ‘yung nagre-eready kayo para sa future niyo,” paliwanag niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.