Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie ‘ginamit’ si Loisa

0 315

ROMMEL PLACENTE: Mga ka-Cuatros,naniniwala ba kayo sa sinabi ng isang basher ni Ronnie Alonte? Kaya lang daw siya nakipagrelasyon sa girlfriend niyang si Loisa Andalio ay para umano’y gamitin ito na sumikat. Kumbaga, napilitan lang daw itong makipagrelasyon kay Loisa.

Para sa akin, hindi naman ito totoo.Oo nga’t naunang nagkapangalan si Loisa kesa kay Ronnie pero sa totoo, mas sikat naman si Ronnie kesa Loisa,’di ba?

Nang maging member ng grupong Hashtags ang binata,ay nakilala siya Nagkaroon na nga siya ng solo concert at nagbida na rin sa pelikula gaya ng Seklusyon at Bloody Crayons.Kaya unfair para sa kanya ang akusa ng basher.

Sa comment na ito ng basher ay napikon si Ronnie. Sabi niya,”Apat na taon na kami,may nasasabi ka pa, di ba?!God bless!Pasensiya!Anong napipilitan? Nasaan ang napipilitan? Four years na kami At saka ‘yung mga fans, hindi tanga ‘yan. Hindi namin binayaran para sumuporta sa ‘min.Sumuportang kusa ‘yan kaya ‘wag mong tinatanga.”

Sabi pa ni Ronnie kay Loisa, “Tamang sagot lang. Wala akong pinipili sa kung sino man kasi ikaw lang naman ang pinili ko Dahil sa career, hello! Putik! Sino ba idol mo?Bago kami nagkakilala ni Loisa, hindi ko kinailangan para sa career. Hindi ako user, no!”

RODEL FERNANDO: Isang malaking hindi dahil in fairness kay Ronnie ay nakagawa siya ng pangalan sa sarili niyang pamamaraan. Iyun na ngang hindi matigil na tsismis sa kanila noon ni Vice Ganda ay isang patunay na ‘in’ na siya at napag-uusapan. Lalong marami ang na-curious tuloy sa kanya kaya madali siya nakilala sa showbiz.

‘Yung pagiging mainstay niya noon sa programang “Its Showtime” ay lalo pang nagpatingkad ng kanyang pangalan. Kay Loisa naman, huwag sanang masasaktan ang nagmamahal sa dalaga pero mas nakilala si Ronnie kesa sa kanya. Nakakaarte naman siya pero hindi pa rin siya popular.

MILDRED A. BACUD:Sakto lang naman ang kasikatan nina Loisa Andallo at Ronnie Alonte. Hindi naman kailangan pagtalunan kung sino ang nanggamit. In fact pareho ngang malamlam ang career ng dalawa ngayon.Nagkaroon sila ng movie di rin naman blockbuster.

What about Jak Roberto na sinasabing ginamit daw si Barbie Forteza para sumikat?I dont think so naman kasi naging magjowa naman sila. Sabihin na lang natin na mas natulungan ng aktres si Jak.

Sa showbiz naman hindi na mawawala ang word na gamitan. Pero ang medyo agree ako na nagkagamitan ay sina Joshua Garcia at Julia Barretto. More on the actress side kasi kahit sinong ipareha sa kanyang leadine men no’n waley pero nung nabuo amg JoshLia, sumikat sila ng husto. Pwede rin naman sabihing nagkatulungan sila pero natapos din at may kanya kanya na silang buhay.

Sa panahon ngayon na walang permanente sa showbiz, kailangan mo talagang gumawa ng pangalan on your own.Mahirap din ang dumikit kung sino ang sikat.

ROLDAN CASTRO: Tigilan na ang gamitan na ‘yan. Duma-Daniel Padilla noon si Ronnie ang popularity. Hindi niya kailangan na gamitin si Loisa.

Isa sa nag-hit na prodyus naming show noon sa Zirkoh ay si Ronnie ang poste. Marami siyang fans lalo na sa mga millennials.

Kailangan lang bumawi ni Ronnie after ng pandemic dahil lumamig ngayon ang kanyang career.

Leave A Reply

Your email address will not be published.