Abante Tonite Interactive

Ronnie inaming dyowa si Loisa

By
2,601

Sa kanyang Instagram post last Wednesday, tila kinumpirma na ni Ronnie Alonte na sila na nga ni Loisa Andalio. Nag-post ang aktor ng larawan nila ni Loisa na magkasama at sa caption, he wrote, “ang akin habang buhay na.”

 

Ang daming kinilig sa post ni Ronnie at say nila, iba rin daw magpakilig ang aktor.

Pero mas lalong kinilig ang fans nila nang

Ang akin habang buhay na 👸🏻👸🏻👸🏻

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

sumagot si Loi­sa at komento niya, “napanis ang I love you” at nilagyan pa ng heart emoticon.

Nagkagulo ang mga fan nila at sa ngayon, umaabot na ng 145,000 likes ang post at katakot-takot na comment.

Up to now ay wala pang opisyal na pag-amin sina Loisa at Ronnie sa kanilang tunay na estado pero dahil sa post na ito, hinala ng mga netizen na sila na talaga at parang kumpirmasyon na rin ito.

Sunshine tinalupan ng mga netizen

Sunod-sunod din naman ang mga post ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account bilang sagot sa mga tinuran ng ­Brunei-based businesswo­man na si Kathelyn Dupaya na diumano’y nang-scam sa aktres at sa iba pang mga artista.

“For the record.. I tried to talk to Ms. Kathelyn Dupaya about getting my money back privately for months but it did not work. That’s why I coursed it through my lawyers na lang.

She was a friend and I/We trusted her. I got into business with her, invested money for about 2 years for additional income esp that I am a single mom. I’ve been wanting to get my principal money back but she couldn’t deliver. Like what she said in her interview, let the court come up with a judgement na lang,” ang paglilinaw ni Sunshine sa kanyang FB post.

Sinabi rin ng aktres na halos hubaran na siya ni Dupaya sa mga akusasyon nito sa kanya.

“There is always a proper venue/forum to prove everything. Both parties decided to bring this issue sa court. Halos talupan ako ng mga tao now on social media because of her accusations. Boldstar, user, plastic, manggagamit, etc.

“Expected that they will hate me after all her stories about our supposed friendship habang nagwawala at umiiyak on national tv. One thing for sure is that wala akong niloko, inutangan, inapi o kinawawa. Our friendship is different from the business we agreed on Mrs. Dupaya and you know that for a fact,” pahayag pa ni Sunshine.

Dagdag pa ng aktres, naaawa rin daw siya sa mga anak ni Dupaya na nadadamay sa gulong ito pero nakakaawa rin naman daw ang mga anak niya sa ginagawa nito.

“Sabi mo noon sa amin iba ang friendship sa business? Iba ang bigay sa utang. Bakit ngayon dinadaan mo sa paninira at pamemersonal? Focus on the issue and explain all those documents you have in court. Nakakaawa ang kids mo of course! pero nakakaawa din ang kids ko sa ginagawa mo. Im working hard to provide for them and you are destroying your victims because you can’t deliver. Huwag daanin sa drama. If you only delivered or nakipag-usap privately sa abogado ko, walang ganito.”

Tungkol sa mga iniregalo umano sa kanya ni Dupaya, aniya, wala raw mga singsing na diamonds at hundreds of thousands worth of alahas.

“‘Wag mo palaba­sing ginamit or pinerahan kita dahil hindi ka maiiyak o masasaktan ng ganito if I was not a good friend to you. Kaya lang sana hindi mo ako siniraan at nag focus ka sa issue. Walang singsing na diamond, hundreds of thousands worth ng alahas, walang allowance. Just an honorarium being given to us everytime we work/perform for your events. Pumapayag kami dahil kaibigan namin kayo. Dun tayo sa totoo. Be fair. We don’t deserve this from you,” post pa ni Shine.

Sa totoo lang, ang daming nalilito ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanilang dalawa. Kung mapapanood mo rin kasi ang interview kay Dupaya na umiiyak pa siya, makukuha niya rin ang simpatiya ng mga tao dahil may mga ebidensiya pa siya.

Pero iba naman ang sinasabi ni Sunshine at parang totoo rin naman ang mga sinasabi niya.

Well, sabi nga nila, let the court decide na lang. Bottomline naman nito ay kung sino ang may sapat na ebidensiya para patunayan kung nagsasabi sila ng totoo. Abangan na lang natin ang hatol ng korte rito.