Abante Tonite Interactive

Ronnie iniisnab ni Vice

By
0 1,789

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioDahil super-super star studded ang Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya, ang diva that you love, hayaan niyong bilangin ang dahilan kung bakit dapat panoorin ang once a year mo lang puwedeng panoorin na pelikula ni Queen Bayot Vice Ganda.

Ang tatlong love pair na sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, Ronnie Alonte at Loisa Andalio at sina Edward Barber at Maymay Entrata.

Sa trio, ang walang dudang magkasintahan talaga ay sina Alonte at Andalio. Hindi puwedeng ikaila. Hindi na nila puwedeng itanggi. Damang-dama mo na intimate na ang kanilang relasyon, hindi na ito pang-love team lamang.

Sa press payanig nito, takang-takang at gustong mahibang ni Ronnie kung bakit matagal na siyang hindi pinapansin ni Ganda. May invisible war pala ang dalawa.

Si Alonte rin lang ang bukod tanging lalaki na may ka-love team na bukakang-bukaka ang mga hita habang nakaupo. Masyado bang masikip ang kanyang pants at may alaga at family jewels siyang hindi na makahinga at gustong kumawala kaya wagas ang kanyang pagbukaka?

Sa mga babae, best in pa-girl at super pa-tweetums pala sa personal itong si Kisses. Sa personal naman pala, hindi mukhang bilugang plato ang kanyang face, mas platito lang pala. Hahaha.

Dahil nga feeling niya ang ganda-ganda niya, “mommy” ang tawag niya kay Jose Marie at ang mga pronoun na “her” at “she” ang ginagamit niya bilang panghalip kay Vice. Hindi ko alam kung ang mga progresibong bekibels eh ikakatuwa ang mga sinambit niyang mga pronoun. Huh!

Pinkish talaga ang lips nitong si Donnie Pangilinan. Kaya, kung mananalig tayo sa teorya na kung ano ang lip color ng isang lalaki eh siya ring color his penis head, palong-palo ang palo-palo ni Pangilinan, hindi ba naman.

Kuwela si Maymay kung hindi eksaherada ang mga ginagawa niya. May certain charm ang ineng. Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit most kasambahay ay relate na relate sa kanya.

Walang duda na may mutual admiration club sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Parehong masaya ang dalawa na sila ay napasama sa film fest entry ni Ganda at ang mas lalo nilang ikinalugod ay ang katotohanang, sila ay nasa isang comedy film.

Sabi nga ni Dantes, “Nagkasama kami dati, filmfest entry, ‘yung Mulawin the movie pero maikling screen time. Dito, mas marami kaming scenes na magkasama, nakakatuwa kasi comedy.”

Para naman kay Richard, “It’s a wonderful opportunity to be part of the movie kasi nga si Vice andiyan, tapos makakasama ko pa si Dong. We used to belong to the same network. Masaya na we are in one movie na medyo hindi namin comfort zone.”

Ang ginagarantiya ni Vice, “Sigurado akong may mga eksena kayong tiyak na matatawa kayo. Sulit na sulit ito. Hindi niyo mararamdaman na you are being short changed. Lahat lalabas na masaya after niyong mapanood ito.”

Loisa ‘di masagot kung daks si Alonte

Sa unang banggit pa lang, alam mong may halong pa­ngiliting sekswal ang mga pangalan ng mga katauhan sa pelikula ni Vice Ganda. Ang kanyang ngalan, Belat. Ang nanay niya, ang pambansang aktres na si Jaclyn Jose, Aling Fek. Pepe si Donny Pangilinan. Jun-Jun si Edward Barber at Daks si Ronnie Alonte.

Hindi kaya ma-rated PG 13 ang pelikulang Fantastica dahil sa mga pangalang ito na may tila may double meaning?
Kung si Alonte nga ang hombreng nasa isang masturbation bidyo na kumalat dati, hindi na ako magtataka kung bakit Daks ang pangalang ibinigay sa kanya. Walang halong pag-iimbot at alinlangan, kung siya nga talaga ang lala­king may sakal-sakal na palo-palong matigas, napaka-witty nu’ng taong ibinigay kay Ronnie ang nasabing pangalan.

Sino nga kaya ang makakapagpatotoo kung may taglay siyang pambihira? Ang doktor na tumuli sa kanya? Ang kanyang mga kababata niyang kasabay niyang mga nagbinata? O ang mga kapwa niya hashtag member?
Mas lalong wala sa katwiran na alam na ni Loisa Andalio ang sagot sa misteryo ng phallus size ni Alonte.

Kahit pa very intimate silang pagmasdan sa press payanig para sa pelikula, may pananalig ang diva that you love na si Loisa ay dalagang Pilipina in the truest sense of the word and yes, she is “worth the wait.” At wala rin akong pagduda na ginagalang at nirerespeto ni Alonte ang kanyang iniirog.

Ang tanong, paano nga kaya makikita ang pagka-daks ni Ronnie sa pelikula? A.) Lagi bang yung gray, cotton everyday short ang suot niya kaya may paramdam ang dapat maramdaman?

B.) May eksena ba siyang tidy white, manipis na brief ang suot kaya unariba at naging visible ang kanyang penis line?

C.) May swimming scene ba siya at hindi board shorts ang kanyang suot kundi tighter than tight trunks kaya bumakat si Felix Bakat?

D.) May tribute si Alonte para sa Oblation Run at tumakbong siyang hubo’t-hubad sa mundong iba­baw kaya kitang-kita kung gaano ka-daks ang mga kumakalembang niyang reproductive body part?

Will Ronnie Alonte live up to the expectation na hindi lang Daks ang ngalan niya bilang katauhan kundi talagang may aray at nakakapunit ang kanyang taglay na pambihira sa totoong buhay? Ito talaga ang question of national importance, hindi ba naman?