Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie, Loisa nagpaiyak

0 63

NI: ROLDAN CASTRO

Inabangan, pinag-usapan, at iniyakan ng viewers ang unang episode ng bagong online series nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na “Unloving U”.

Nag-trending sa social media ang pagsisimula ng kwento nito sa iWantTFC streaming service.

Pumasok agad sa top trending topics sa Pilipinas sa Twitter ang hashtag na #UnlovingUPremiere kasabay ng pagbabahagi ng ng mga netizen ngpapuri at emosyong naramdaman nila habang nanonood ng serye.

Sabi ni Twitter user @OneAndLoiNie “I’m glad that direk Easy was able to give us a different kind of love story. So excited to see how Fiona and Alfie will fight for their love lalo na magkapatid ang tingin ng tao sa kanila.”

Bawal na pag-ibig ang tema ng serye kung saan ginagampanan nina Loisa at Ronnie sina Fiona at Alfie, dalawang step-siblings na magsasama sa iisang bahay pagkatapos ikasal ang kanilang mga magulang na sina Darlene at Henry (Gelli De Belen at Ariel Rivera). Kahit na magkapatid ang tingin sa kanila ng lahat, hindi naman napigilan ni Fiona na mahulog ang loob kay Alfie ngunit tinatago ang pagtingin nito.

SM food to go Banner Ad

Samantala, bukod naman sa kilig ay pinabilib din nina Loisa at Ronnie ang mga netizen sa pagganap nila sa “Unloving U.” Ito ay dahil sa eksena na maglalayo sina Fiona at Alfie sa pagtatapos ng unang episode.Maghihiwalay kasi ang kanilang mga magulang pagkatapos maging mag-asawa ng ilang taon.

Sabi ni Twitter user @youreTRENDING, “Bakit po @iamAndalioLoisa @iamr2alonte sa unang episode masaya tapos nakakaiyak agad? Masyado niyo pinapatunayan na magaling kayo. Ganda ng first episode.”

“Jusmio! Last part ang gusto ko! Kasi sobrang naiyak ako! Ano beyen @iamAndalioLoisa at @iamr2alonte! Ginalingan niyo masyado! Nadala ako sa scene na yon sobra!” pagbabahagi ni @iliopsoas18.

Ayon naman kay @blisszx, “Pero grabe talaga iyakan ng LoiNie sa episode 1, kay loisa medyo nasanay na ako eh pero si ronnie maaa pasaverg, ang gagaling niyo na talaga!!! #UnlovingUPremiere.”

Matapos namang maudlot ang love story nina Darlene at Henry, may pag-asa na kaya para kay Fiona na aminin ang nararamdaman niya para kay Alfie?

Napapanood na ang “Unloving U” sa iWantTFC app o sa iwanttfc.com, kung saan isang episode kada araw ang ipapalabas tuwing 8 PM hanggang Pebrero 13.

Leave A Reply

Your email address will not be published.