Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie, Loisa sinibak sa teleserye

0 461

Marami ang nagtatanong kung bakit nawala sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa isang serye ng ABS-CBN.Hindi lang daw si Julia Barretto kundi pati sila.

Mas lumakas tuloy ang espekulasyon na lilipat sila ng network o ng management.

Noon pa may lumalabas na tsismis na mago-ober da bakod daw si Ronnie sa ibang TV network pero wala pang kumpirmasyon hanggang ngayon.

Wala ring malinaw na paliwanag kung bakit natsugi sa isang serye ang LoiNie.

Pak!

Heaven bida na sa Kapamilya

Nagbunga rin ang pag-stay ni Heaven Peralejo dahil siya ang bida ng “Bagong Umaga”.

Sa tweet mismo ni Direk Lauren Dyogi, sinabi nito na launching at first lead role ni Heaven ito sa serye.

Matatandaan noon na pumutok ang balitang lilipat si Heaven sa GMA 7 pero naudlot umano ang negotiation tungkol dito.

Makakasama ni Heaven sina Tony Labrusca,Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito at Yves Flores.

Talbog!

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kelvin, Mikee bagong loveteam ng Siete

Ilulunsad ng GMA 7 ang bagong tambalan.

Ni-reveal na kung sino ang loveteam na gaganap sa “The Lost Recipe”. Ito’y sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.

Ito ay proyekto ng GMA Public Affairs.

Congrats!

A2Z pasabog

Naglabas na ang ABS-CBN ng official statement sa sanib-puwersa nila sa Zoe TV.

“Gumagawa ang ABS-CBN ng mga palabas para sa iba’t ibang kumpanya, plataporma, at manonood sa loob at labas ng bansa.

“Simula Sabado (Oktubre 10), mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

“Mapapanood ang A2Z channel 11 sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya.

“Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para maghatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko.”

Kabog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.