Abante Tonite Interactive

Ronnie-Loisa split na

By
3,541

Usap-usapan ngayon sa socmed ang hiwalayang Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Nagdududa na rin kasi ang mga netizen. Kamakailan lang ay nag-unfollow sa isa’t isa si Loisa at ang kapatid ni Ronnie na si Aikka. Bukod diyan ay kapansin-pansin ang mga tweet ni Loisa.

Ayon kay Ronnie mayroong problema at hindi pagkakaintindihan. Pero umaasa sila na maaayos din ito.

Base na rin sa isang eksklusibong interview kay Ronnie, mukhang si Loisa ang may dahilan ng alitan nila. Nadulas kasi ang aktor at sinabing, “Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya. Papatawarin ko siya.”

Nais ni Ronnie na mag-focus muna sa trabaho. Darating din daw ang tamang oras na magkakaayos silang dalawa. Sa ngayon kasi ay busy ang aktres sa mga shooting.

Aminado ang aktor na nalulungkot siya sa nangyari sa kanila, bukod dito ay nami-miss na rin niya si Loisa dahil nasanay siya na palaging nandiyan ang aktres.