Abante Tonite Interactive

Ronnie, MAS ANGAT kay Dominic

By
Ronnie Alonte
9

TANGGAP ni ­Dominic Roque na si ­Ronnie ­Alonte ang lumalabas na bida sa pelikulang Seklusyon.

“Okay lang po ‘yun, kasi, nu’ng in-offer ­naman sa amin ‘to, parang may mga sarili kaming gagawin. May sari-sarili ­kaming highlight sa pelikula,” pakli ni Dominic.

“Hindi naman ­actually sinabi, pero nu’ng nakita namin, tapos nu’ng nag-workshop kami, nu’ng nag-script reading po ­kami, nakikita ko naman na mas angat talaga siya.

“Pero ‘yun nga po, may sari-sarili kaming highlights sa pelikula.

“Pag napanood n’yo po ‘yung ­international cut, isa sa highlights na maganda sa movie ‘yung eksenang ginawa ko ­talaga.

“Kahit sa akin, ‘yun po yata ‘yung pinakamalala na ginawa ko sa pag-arte,” pahayag ni Dominic.

First time na ganu’n ka-daring si Dominic ­dahil naipaliwanag sa kanya ni direk Erik Matti at alam niyang kailangan ito sa pelikula.

Kaya proud siya sa pelikulang ito.

“May iba pang ­ginawa kami sa ­pelikula na ­feeling namin, ­magiging ­kontrobersyal sa mga ­asosasyon ­dito sa ­Pilipinas,” medyo ­naalangang paha­yag ni Dominic.

Mapapag-usapan daw ito kapag palabas na sa mga sinehan.

***

Masaya si Ronnie ­dahil sa kanya ibinigay ang malaking role na iyun sa Seklusyon.
Pero hindi raw niya iniisip na lamang siya sa co-actors niya.

“Hindi naman po ako nakipagkumpetensya sa mga kasamahan ko sa showbiz. Kahit sa kabilang istasyon o kasama ko, hindi po talaga.

“Masaya lang ako, ­kasi, ganu’n ang ­nangyayari sa akin na tingin ko, bini-bless ako ni God.
“Kasi, talagang pinapakita ko sa mga tao na totoo talaga ako, eh,” pahayag ni Ronnie.

Kung may pagka-daring si Dominic sa Seklusyon, hindi pa raw magagawa ‘yun ni ­Ronnie, kahit nagkaroon siya ng ­sensuality pagkatapos siyang ­masangkot sa ­scandalicious vidyakol.

Hindi pa raw siyang handang magpa-sexy ­kahit mag-pose ng sexy sa isang pictorial
“Hindi ko pa po ­kaya sa ganu’n. ­Siguro po, sa tamang ­panahon,” ­pakli ni Ronnie.