Abante Tonite Interactive

Ronnie muntik nang sukuan si Loisa

908

Tulad ng relasyon ng sinumang showbiz couple, aminado si Ronnie Alonte na hindi perpekto ang sa kanila ni Loisa Andalio.

Katunayan, aminado siyang muntik na silang mag-break noon dahil sa kanilang differences.

“Aminin ko lang po, maraming beses na ho na parang gusto na namin sumuko sa isa’t isa. Maraming beses na akong gusto kong sumuko, pero naisip ko hindi ko pala talaga kayang wala siya,” aniya.

“Sa mga naging girlfriend ko dati, lahat po may edad. Nu’ng nakilala ko po si Loisa, the way na nag-uusap kami, sobrang parang ang dami pang kulang. Hindi ko sinasabing perfect ako, shinare ko lang sa kanya ‘yung experience ko dati,” dugtong niya.

Sa ngayon daw, kumakapit sila sa isa’t isa at laging open ang komunikasyon na siyang susi sa kanilang matatag na pagsasama.

“Tinulungan ko siya na maintindihan pa kung ano ‘yung, paano ‘yung relasyon namin, kung paano ‘yung tatahakin namin, ‘yung mga pagsubok na pinagdaanan namin. Kaya sabi ko sa kanya, simula pa lang ito, marami pa tayong pagdadaanan,” paliwanag niya.

Ang Loinie ang pinakabagong love team na inilulunsad ng Star Cinema sa pelikulang “James and Pat and Dave” na sequel sa highly successful MMFF hit na “Vince and Kath and James” na nagtampok sa JoshLia.

Palabas na ang pelikula simula sa Pebrero 12 bilang Valentine offering ng nasabing film outfit. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad