Abante Tonite Interactive

Ronnie napoot sa chika kay Loisa

836

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMay katotohanan ang tiktak na si Ronnie Alonte eh hindi lang inis, may chance ring poot na poot sa kumalat na chika tungkol sa kanyang iniirog na si Loisa Andalio?

Atapang, atao bigla si Alonte sa pagtatangol kay Andalio kasi ngarla dahilan kung bakit daw naghiwalay ang kanilang de kolor at puti kasi nga, may milagrong ginawa umano si Loisa.

Que horror! Que barbaridad nga naman ang ganyang balita na hindi kainaman.

Sabi nga ni Ronnie­ sa isang pahayag, naawa siya sa babaeng malapit sa kanya kasi nga hindi totoo ang isyu na binabato rito.

Normal na away lamang ang pinagdaanan nilang dalawa at hindi niya sinasadya ang kanyang mga posts, maski ang binibini, may mga posts rin na medyo emosyonal kaya ayan na nga, naging usok kaya nag-one-plus-one equals twenty one ang balana at madlang pipol.

Ano ang moral dito? Sa susunod, huwag na kasing mag-post kete post, lalo na nga’t public figures na silang dalawa.
Dapat kasi pinag-usapan muna bago ipinahayag sa social media. Ang mga bata nga naman, padalos-dalos kasi.

Lahat ng mga kung ano-anong akusasyon sa kanila, wala lahat sa hulog dahil nga silang da­lawa ang mas nakaka-alam kung ano ang totoo.

Parang hindi naman malala ang gusot na kanilang pinagdaanan, kaya ayos na ayos na sila ngayon. Sana rin, these two nubiles will take it slow, lalo na sa romance department.

Hindi naman nila dapat maging hot and heavy lalo na ngat in her late teens si Loisa at nasa early 20s na yata si Ronnie.

Mas maingat, mas mainam for them.
***

Kiko-Devon huling magka-holding hands

Ang nag-iisang bidang rosas sa ‘Bakwit Boys’, si Devon Seron, kaya naman pala the face that refreshes, eh may kasintahan na. At inamin naman niya na showbiz personality ito, ayaw niya lang banggitin kung sino.

Ang nakakaloka, may mga lihim nga yatang hindi maitatago. Sa isang portal, huli ka, balbon si Seron na magkahawak kamay sa muy guapitong si Kiko Estrada.

Iba’t ibang shots, iba’t ibang anggulo, hindi puwedeng itanggi na sina Devon at Estrada, malapit sa isa’t isa, huh!
Si Seron pala ang nagpatibok muli sa puso ni Kiko matapos mabigo ang pagmamahalan nila ni Barbie Forteza.

Sa true lang, ang guapo-guapo rin ni Kiko sa ngayon. May pinanood itong pelikula sa Cinemalaya at ang ka-bonding niya sa CCP lobby. si direk Adolf Alix. Iba ang dating niya at tikas. Panalo rin ang kulay kayumanggi nitong lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahang lalaki. He seems to be in a happy place. Kaya naman pala, go for gold with Devon.

Naku, Bb. Seron, kung si Kiko Estrada nga talaga ang iyong irog, ‘pag tapos na ang promo, mall at school promos para sa Bakwit Boys, ‘wag muna magpahara-hara sa kung saan-saan. Malay mo, malay ko, malay nating lahat, ang team Gurlis, naghahanda na sila para sa iyo. Alam mo na.