Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie nilingkis si Loisa

0 156

Maraming netizen ang nainggit sa bagong paandar ng Loinie sa kanilang vlog.

Sa episode na Not My Arms challenge, ipinakita nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang pagluluto ng tinola.

May pa-display pa si gurl ng kanyang pusod na parang tinutukso si boy na tikman ang kanyang luto.

Sa challenge, mega lingkis at yakap si Ronnie kay Loisa, habang nagbibigay ang huli ng instructions sa una.

Sa video kasi, ang mga kamay ni Ronnie ang kumikilos sa pagtatalop ng mga gulay, paghalo ng ingredients hanggang sa pagluluto ng nasabing recipe habang si Loisa ang nagbibigay ng direksyon.

May ilan pang netizens na nagbabala kay Ronnie na maghinay-hinay dahil baka kung saan mapunta ang malilikot nitong mga kamay na dikit sa katawan ni Loisa.

After the cooking session, masaya pa nilang pinagsaluhan ang kanilang espesyal na tinola bagamat kapansin-pansing hindi nilantakan ni Ronnie ang mga gulay dito.

Aliw naman ang Loinie fans sa collaboration ng dalawa na nag-uumapaw ang payanig na kilig.

@@@

Andrea sabik na kay John Lloyd

Nang inanunsyo ni Willie Revillame na balak niyang ipagprodyus ng sitcom sina John Lloyd Cruz at Andrea Torres, sobra raw na-excite ang Kapuso actress.

Ayon pa kay Andrea, malaking karangalan daw na makatrabaho niya si Lloydie dahil fan siya nito.

Gayunpaman, nilinaw niya na wala pang ganoong offer sa kanya na makatambal ang magaling at award-winning actor kaya premature pa raw para mag-rejoice siya.

“Wala pa po kasi akong nakukuhang announcement talaga from GMA regarding that. Talagang narinig ko lang po sa mga kuwento-kuwento, mga news. So ang hirap pong i-claim, di ba? Palagi nga nilang sinasabi na kapag wala pang storycon, wala pang taping, mahirap i-claim, di ba? Pero happy po ako dun sa news na yun noong marinig ko siyempre,”ani Andrea.

Nagpakatotoo naman siya sa pagsasabing sabik na siyang makatrabaho si John Lloyd.

SM food to go Banner Ad

“Kasi, fan ako ni John Lloyd and, yun nga, hindi pa po ako nakakagawa ng sitcom, e. So, open ako sa mga ganun.Talagang pinagpi-pray ko rin talaga na matuloy kasi bibihira lang magkaroon ng ganitong opportunity. Actually, nagulat tayong lahat na pupwede na ang ganito. Na puwede mo nang makatrabaho si John Lloyd, si Bea. And definitely, kapag naibigay po sa atin, magiging very happy talaga,” hirit ng aktres.

@@@

Heart ayaw umasa sa dyowa

Sa kanyang Instagram, tinanong ng isang follower si Heart Evangelista kung gaano ito kayaman.

Game naman itong sinagot ng Kapuso actress at sinabi nitong yumaman daw siya dahil sa pagiging maabilidad.

Kasama rin daw sa equation ng kanyang success, ang marubdob na pagdarasal at matiyagang pagtratrabaho.

“Not crazy, crazy that’s for sure, but what’s mine is mine … I work hard., damn I do! Maabilidad ako. I have dreams and I will pray hard and work hard to get to it if not close to it.”

Hirit naman ng ilang netizens sa kanyang post, entitled daw naman si ate na magyabang dahil keri nito lalo pa’t galing din ang aktres sa nakaririwasang pamilya.

Sey pa ng ilang netizens, nasa defensive mode rin si girl dahil ibig sabihin nito na hindi siya umaasa sa pera o kabuhayan ng kanyang mister…na hiwalay ang pera sa ipon ni Chiz.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“True. Taas bangko lagi eh.”

“That’s exactly why defensive cya. People assume na sa family nya galing ang wealth nya. Nagsumikap pa rin cya and yan lang naman ang gusto nya ipaalam.”

“Well maabilidad naman siya talaga. Pwede naman umawrang socialite eme eme na lang siya kung gugustuhin niya kasi mayaman naman ang angkan nila. But she still choose to have a career. Pati sa pag aasawa ginamit din niya utak niya. Wiz siya nag asawa ng pogi nga pal naman lol”

“True… but doesn’t change the fact that you were born with a silver spoon, hearty. You’re born rich and got richer when you entered showbiz at mas lalong yumaman ngayon… ma abilidad nga. Mapa sanaol nlng tayo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.