Abante Tonite Interactive

Ronnie, TIGAS-TIGASAN ang denial sa vidjakol

By
Ronnie Alonte
954

NAGSIMULA lang kaming ma-curious kay Ronnie Alonte nu’ng maglabasan sa social media ‘yung sinasabing scandal photo at scandal video niya.

Biglang umingay ang pangalan ng Hashtags member na taga-Laguna dahil doon.

Kahapon sa pocket presscon ng nag-iisang horror entry sa MMFF na Seklusyon, inusisa namin si Ronnie tungkol dito.

Sinabi niyang hindi siya ang lalaki sa kuma­lat na photo at vidjakol.

PhinotoShopped lang daw ang ulo niya sa nude pic at hindi raw siya ‘yung guy sa batibot video.

Nu’ng makita niya ang video, ang reaksyon niya ay, “Oo nga, kamukha ko nga, ‘no?”
At bukod sa kamukha niya, bongga ‘yung video, ‘di ba?

“Oo, bongga. Ang daming nilabas nu’ng lalaki, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa ng 20-anyos na newcomer.

Hirit namin kay Ronnie, keri namang aminin niya dahil bongga siya kung siya talaga ‘yung nasa scandalicious video, ‘di ba?

“Hindi po, eh! Ha! Ha! Ha!”
Sure siyang hindi siya ‘yon?

“Hindi, hindi po ako ‘yon. Kasi, nu’ng bata pa ako, wala akong naaalala na gano’n. At saka hindi ko gawain ‘yon. Strict ang parents ko, eh.”

Mamatey?!

“Hindi. Kung may scandal man ako na gano’n na lalabas, aaminin ko ‘yon. Kasi, hindi naman maliit ang nota ko, eh! Ha! Ha! Ha!”

Ah, talaga ba? Eh ‘yun naman pala, eh! ‘Di puwede na niyang aminin?
“Hindi, hindi, joke lang!” natatawang sey ng bagets.

Ibig sabihin, ganu’n din kalaki ang NOTA niya? Ang laki nu’ng nasa photo at video scandal, ha?

“Hindi, hindi po.”
Anong feeling niya na parang ang dami pa ring naniniwala na siya ‘yon?

“Sinagot ko naman po na kahit anong ilabas nilang video, kung alam ko naman sa sarili kong hindi ako, bakit ako maaapektuhan, ‘di ba po?”

So, sure siyang wala siyang ginawa na ganu’ng klaseng video?

“Wala talaga. Simula pagka­bata ko, hanggang ngayon, wala. At saka magkaiba kami ng katawan (nu’ng lalaki sa video). Mas batak ‘yung abs ko du’n!

“At saka kanan ako, kaliwa ‘yon! ‘Yung mga naniniwala, siguro mga bashers lang po ‘yon.”
Baka naman ‘yung iba, gusto lang talaga na maging siya ‘yon dahil bongga nga ‘yung napanood nila?

“Siguro, iniisip nila talaga na ako.”

Feeling niya ba, nakatulong din ‘yon para lalong umingay ang pangalan niya at mas magkaroon ng awareness tungkol sa kanya?

“Siguro, aaminin ko na ‘yung iba, kagaya n’yo na press, medyo nakilala ako, na sa lahat ng interview ko po, tinanong ‘yon.

“Pero sinagot ko sila lahat, hindi ko iniwasan. Basta, hindi po ako ‘yon!” tigas-tigasang sambit pa ni Ronnie.