Abante Tonite Interactive

Ronnie titigil na

By
3,338

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioHiwalay na ang dekolor at puti nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, weno naman? Paano nga pa sila magkakahiwalay, may pangma­lakasang pag-amin na ba talaga mula sa dalawang relatively young pairing na ito?
May mga fanatic ba silang maglulupasay, mahihilo, maghihisterikal kasi nga may tuldok na ang kanilang relasyon sa dilim?

 

Sino ang mas maluwag ang paghinga ngayong paalam na aking mahal ang kanilang drama?

Si Loisa ba na may chikang may ginawang kababalaghan kaya si Alonte ay napuno ang salop at poot na poot?

O may pag-asa pa nga ba ang dalawa na makapag-kiss and make up and all they really right now is space para makapag-muni-muni
Ma-emote ang mga tweet ni Alonte of late, “Pwede na sguro ako tumigil” at “Gsto ko ng mapahinga sa ngyayari sa akin.” Sino kaya ang pinatutungkulan niya rito? Mga tao kaya o sitwasyon sa kanyang buhay? Saan siya titigil, sa kanyang showbiz karera o sa pagiging mangingibig?

Kanino niya gustong mapahinga, kay Loisa? O sa walang tigil na linking nila Vice?
Kahit pa nga puwede na kayong gumawa ng bata, Ronnie at Loisa, batang-bata pa naman kayong dalawa para sobrang magseryoso sa isang romantikong relasyon. Marami pa ka­yong makikilala at may isa talagang natatangi sa lahat na siyang puwede niyong mahalin nang walang kapantay at magpakailanman.

Madlang Pipol wa pakels kina Khalil-Gabbi

Itinanggi ni Khalil Ramos na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang tamba­lang Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
The WHO si Khalil Ramos? ‘Yun na!
The WHO times two si Gabbi Garcia! Yes, oh Yes! Ang never ­magiging the WHO, si Ruru Madrid, huh!
Kahit anong paliwanag pa ni Khalil, wa pakels ang balana, dabarkads, madlang pipol, mga Kapuso at Kapamilya sa kanilang dalawa ni Gabbi Garcia.
Kung masaya sila, go! Puwede nga silang mag-walk out the door sa showbizlandia at pumunta sa buwan o sa Saturn, tuloy pa rin ang mga buhay nating makulay kahit wala sila.
‘Yung mga drama ni Khalil na sila ni Gabbi na “we go out and we are friends, ‘yun lang,” bagong-bago, hindi ba? Ang saya-saya, huh!

 

Suicide ang tumapat kay Tom Cruise

Ni hindi natin kailangan ang calculator o kahit na anong industry expert para tanggapin ang katotohanan na ang ‘Kusina Kings’ ay lugami sa takilya lalo na nga’t ang kalaban nito ay ang Mission Impossible: Fallout.
Isang ultraelectromagnetic movie franchise versus a new comedy flick? May laban? Sa aspektong eskrimahan, Zanjoe Marudo at Empoy Marquez, may ikakasa ba kina Tom Cruise at Henry Cavill?
Isang pelikulang parang mga bagong luma ang patawa at isang high testoste­rone action packed extravaganza na sangrekwa ang habulan, sagupaan at mano-manong ombagan nina Cruise at Cavill?
Alam na alam na ang bukas na aklat at katotohanan. Isang malaking suicide and gamble na tumapat sa Mission Impossible.
Ang mga paparating na pelikulang Pilipino, ano kaya ang kahihinatnan sa takil­ya? Ang mainstream movies, ang rated A as in angas na ‘BuyBust’ nina Anne Curtis at Brando Vera, at ang rated B as in bongga na Harry at Patty nina Kakai Bautista at Ahron Villena, ano ang mamahalin, sino ang yayakapin sa Agosto 1 and beyond?