Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie tumanggi kay Janelle sa lampungan

0 194

NI: VINIA VIVAR

Napakaraming love scenes ni Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee sa pelikulang ‘Putahe’ ng Viva Films na idinirehe ni Roman Perez.

Napanood namin ang pelikula sa private screening na ginanap last Wednesday at talaga namang nalula kami sa rami ng maiinit na eksena. May love scenes siya sa halos lahat ng male cast ng pelikula. Ilan nga rito ay sina Massimo Scofield, Chadd Solano at Mon Confiado.

Bukod dito, may love scenes din siya sa lead actress na si Ayanna Misola.

Tanging kay Ronnie Lazaro lang siya walang intimate scenes dahil tumanggi ang magaling na aktor.

“Supposedly, may love scene kami ni Janelle but pinag-aralan natin at nakita naman natin na parang hindi kailangan,” paliwanag ni Ronnie sa presscon after the screening.

Ginagampanan ni Ronnie ang papel na ex-boyfriend ng karakter ni Janelle at sey ng aktor, mas gumanda at mas lumalim pa raw ang mga relasyon ng kanilang karakter kahit walang love scenes.

Anyway, palaban din si Ayanna sa mga daring scenes sa Putahe at walang takot na nakipagtikiman sa kapwa-babae. Pero bibilib ka naman sa newbie sexy star dahil marunong siyang umarte at bagay na bagay sa kanya ang role bilang isang virgin na island girl.

Puring-puri rin sina Ayanna at Janelle ng mga veteran stars na sina Mon Confiado and Ronnie.

“During our shoot pa lang sobrang bilib na ako sa kanila kasi willing silang matuto, tanong sila nang tanong, pero actually nasa loob na nila ‘yung husay, eh. ‘Yung 2 leads na babae natin, talagang very dedicated sa craft na ‘to,” sabi ni Mon.

Ayon naman kay Ronnie, sobrang relaxed and liberated daw ng mga sexy stars ngayon kaya pagbibiro niya, ang feeling daw niya ay obsolete na siya.

Puring-puri rin ng dalawang veteran actors at lahat ng cast ang mahusay na pagkaka-execute ni direk Roman ng mga maseselang eksena at ng buong pelikula as well.

Mapapanood na ngayon ang Putahe sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.