Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ronnie,Loisa live in na

0 696

NI:ARCHIE LIAO

Sa pagiging super sweet at inseparable ng magdyowang Loisa Andalio at Ronnie Alonte,marami ang nag-akalang nagli-live in na ang dalawa.

Katunayan, sa panahon ng lockdown, lagi silang nakikitang magkasama sa kanilang mga post sa social media.

Marami rin ang naintriga nang ma-sight silang magka-holding hands habang namamasyal sa bakuran ng bahay ni Ronnie.

Sa kaso rin ni Ronnie, inamin naman nitong si Loisa na ang babaeng gusto niyang pakasalan at makapiling habangbuhay.

Sa panayam sa kanila sa online show na I Feel U , idinenay naman ni Loisa na nagli-live in na sila ng boyfie.

Kung madalas man daw silang nakikitang magkasama, ito ay dahil malapit lang sa isa’t-isa ang kanilang mga tirahan.

Nagtaas naman ng kilay ang ilang kibitzers dahil obvious daw sa dalaga na guwardiyado nito ang dyowa at ayaw nang pakawalan pa.

Kaya naman, hindi pa rin mamatay-matay ang isyung nagsasama na sa isang bubong ang dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.