Abante Tonite Interactive

Roño tinoro ang Mindoro

0 271

Kumamada ng tig-18 puntos sina Alvin ­Pasaol at Robin Rono para ­giyahan ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa 84-64 pananambak sa Mindoro Tamaraws kahapon sa unang laro ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Caloocan Sports Complex.

Bukod kina Alvin at Robin ay umagapay rin sa opensiba si Antonio Rafael Asistio na lumista ng 16 points, habang umayuda ang ex-pro na si Dennice Villamor ng 11 markers at 10 boards para ibigay sa Zamboanga ang ikalawang sunod na panalo tungo sa 14-10 panalo kartada sa Group A.

“Sa amin kasi mas pinaghandaan namin, although ‘yung kalaban nasa bottom so ­siyempre hindi kami pwedeng magkumpiyansa,” ­pahayag ni Robin.

“So kailangan mag-stick sa mga coaches and then tiwala sa mga teammates.”
Kapos ang 16 points ni Kim Cinco para sa Tams na nalasap ang panlimang sunod na kabiguan para bumagsak sa 8-17 baraha at matengga sa Group B 11th place. (Aivan Episcope)