Abante Tonite Interactive

Ronwaldo, ipinakita ang libog, ngitngit, pag-aalala at pagmamahal

By
34

At si Ronwaldo Martin, siya ang actor of the moment sa Cinemalaya.
Lahat na yata, ipinakita niya rito.

Libog, ngitngit, pag-aalala at pagmamahal.
Isang batang la­laking gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

Fully committed si Martin to flesh out and give the pro­per emotions needed for his physically demanding and emotionally draining role.

Hindi ako magtataka kung mara­ming tropeyong iuuwi ang Pamilya Ordinario.
Ito na yata ang best film ngayong taon.

***

NGAYONG gabi ang parangal para sa Cinemalaya 2016.

Dalawang pelikula ang hindi ko napanood, ang Dagsin at I America, kasi, hindi swak sa schedule.

Ang huling pelikula kasi sa competition na pinanood ko ay ang Pamilya Ordinaryo.

Marami ang nagsasabi na isa na naman itong ehemplo of “poverty porn” pero I beg to disagree.

Walang pornogra­phic sa nakakarimarim na sitwasyon nina Aries at Jane.
Nakakahiya nga kasi, ‘yung mga taong tulad nila, we meet and encounter them on a daily basis, pero all of us, we all choose to look the other way.

Parang tinanggap na lang natin na kasama na sila sa basura, baho, dumi, kalat, latak at imburnal na meron ang Kalakhang Maynila.

Eh ano ba? Kung andiyan sila basta hindi kami ang piniperwisyo.
Tila ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat, pantay-pantay. May mahirap, may mahirap na mahirap, may nakakariwasa, may sobrang yaman.

Ang informal settlers at dugyots in Metro Manila ay bahagi ng circle of life.
Sorry na lang sila, nasa lowest of the low part of the food pyramid and economic circle sila.

It is their fault, not ours. Ganyan talaga ang buhay, welcome to Manila.

***

And yet, as you sit and watch the film, you cannot help but flinch, feel sorry for these juveniles.

Even if all that they have are each other, alam mong they genuinely care and love one another at ‘yung anak na ninakaw sa kanila, importante sa pagkatao nila, sa pagi­ging buong pamilya nila.

Na kahit pa magnanakaw, nagra-rugby, nagtatalik sa kung saan-saan, walang pakunda­ngan sa pagmumura… sa kaibuturan nina Aries at Jane, mabubuti pa rin silang nilalang.

Wala nga lang silang magagawa sa sitwasyon at impiyerno na kanilang kinasasadlakan.
Kailangan nilang tumapang at maging halang ang mga kaluluwa para mag-survive.

Sakdal husay si Hasmine Kilip bilang Jane, lalo na’t hindi madali ang pinagdaanan ng kanyang karakter.

Andiyang ibinuyangyang niya ang kanyang mga suso sa isang pulis na kesa tinulungan siya ay binastos pa ang kanyang pagkababae.

Kahit nagngangal­ngal siya, she finds comfort sa fact na andiyan si Aries.
Kahit foul mouthed at balahura siya, may konsyensya siya at tunay na pusong ina.