Abante Tonite Interactive

Rookie of the Month: CJ Perez

By
176

Pinagdiinan ni CJ Perez ang status bilang No. 1 overall pick ng nakaraang PBA Draft nang akayin ang Columbian Dyip sa even 2-2 card pagkatapos ng apat na laro sa Philippine Cup elims.

Agad siyang nagpakilala sa PBA debut nang magpasabog ng 26 points, 24 dito sa second half, para giyahan ang Dyip sa 124-118 upset kontra defending champion San Miguel Beer noong Jan. 18.

Binansagang Baby Beast, pinamunuan ng 25-anyos na si Perez ang Columbian sa scoring at rebounding sa averages na 16.0 points at 7.8 per outing, may 4.0 assists at 2.0 steals pa (tied sa team-best).

Sa pinakitang angas sa kaagahan ng season at sa kanyang pro career, ang dating NCAA MVP mula Lyceum ang buwena-manong tumanggap ng PBA Press Corps Rookie of the Month (January) citation.

Tinalo niya sa award sina Robert Bolick ng NorthPort, Abu Tratter ng Blackwater at Javee Mocon ng Rain or Shine.
Nag-average ang da­ting San Beda star na si No. 3 pick overall Bolick ng 14.3 points, 4.0 rebounds at 3.0 assists para sa 2-1 Batang Pier. Naglista rin ang 23-anyos na tubong Leyte ng 26 points sa kanyang pro debut, ang 117-91 NorthPort win kontra Blackwater.