Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque asa pa sa milagro kay Mayor Sara

0 111

Hindi pa rin sumusuko si Presidential Spokesman Harry Roque sa posibilidad na magbago ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at magdesisyong humabol sa presidential race para sa 2022 elections.

Sinabi ng kalihim na hindi lamang siya ang umaasa, kundi patina ang mga supporter ng alkalde na baka magkaroon ng milagro dahil hindi pa naman tapos ang substitution para sa mgakandidatong nais humabol ng kandidatura.

“Habang hindi pa tapos ang substituion, marami pa rin pong umaasa. Alam ko po sinabi niya hindi na talaga pero malayninyo naman po magkaroon ng milagro,” ani Roque.

Kaugnay naman sa tanong kung tutuloy pa ba ito sa pagka-senador kahit natapos na ang filing of candidacy, sinabi niRoque na hindi pa niya alam ang mga susunod na mangyayari. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.