Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque ayaw na tumakbo sa 2022

0 129

Wala na umanong balak na tumakbo sa pagka-senador si Presidential Spokesman Harry Roque sa 2022 at sa halip ay magreretiro na lamang ito.

Ito ang inihayag ni Roque kasunod ng pagtawag sa kanya ng ilang local executive ng ‘senator’ sa mga pinupuntahan nitong lugar sa bansa. Sabi pa ng spokesman, “After what I’ve seen in the kind of media reporting and the kind of trolls that the opposition has, I’m looking forward to retirement from government service.”

Nadismaya ang opisyal sa ilang miyembro ng mainstream media dahil aniya sa pagiging bias ng mga ito kaya babalik na lamang siya bilang isang pribadong mamamayan pagkatapos ng Duterte administration.

Paborito ng mga netizen at mga troll na puntiryahin at paglaruan si Roque sa social media sa pamamagitan ng iba’t ibang meme kaya wala aniya itong plano na pumalaot sa politika. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.