Abante Tonite Interactive

Roque, Bello bumida sa Kuwait; 4 embassy driver sa palpak na OFW rescue laya na

By
3,414

Bumiyahe patu­ngong Kuwait noong Martes ng gabi sina Presidential Spokesman Harry Roque, Labor Secretary Silvestre Bello at iba pang opis­yal matapos utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ayusin ang gusot sa nabanggit na bansa.

Hindi kasama sa biyahe si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang nagpasimula ng diplomatic row ng Pilipinas at Kuwait dahil sa iligal na rescue mission sa tatlong distressed overseas Filipino worker (OFW).

Batay sa ipinalabas na impormasyon ng tanggapan ni Roque, maluwag na tinanggap ng mga opisyal ng Kuwait ang delegasyon nina Bello at Roque sa Kuwaiti Interior Ministry.
Inaasahang malalagdaan ang memorandum of understanding na titiyak sa seguridad at kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

Sinaksihan din ng de­legasyon nina Bello at Roque ang pagpapalaya sa apat na driver ng embahada na ina­resto ng Kuwaiti police matapos ang kontrobersiyal na rescue ng mga ito sa mga distressed OFW noong Abril.