Abante Tonite Interactive

Roque binutata ang PACC: Hindi ‘most corrupt’ ang Kongreso

By
376

Pumalag si Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ng Presidential Anti-Corruption Commussion (PACC) na ang Kongreso pa rin ang pinaka-tiwa­ling sangay ng gobyerno dahil sa patuloy na paggamit ng pork barrel funds.

Sinabi ni Roque na bilang dating congressman, unfair ang pahayag­ ng PACC dahil hindi naman lahat ng mambabatas ay nagpapasasa sa kanilang pork barrel fund.

Sa halip aniya naakusahan ang buong Kongreso, mas mabu­ting kasuhan ng PACC ang mga kongresista at senador na nangungulimbat sa kanilang pork barrel fund.

“As an ex-congressman, that’s unfair. Huwag namang most corrupt. There’s corruption, huwag namang most corrupt,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na bilang partylist congressman, ang reyalidad aniya ay second class lamang sila sa Kongreso.

Hindi aniya nito alam kung ganito rin ang trato sa mga district congressmen na kumokontrol sa district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) .

Ang pork barrel funds ay inilalaan ng gobyerno para sa mga proyekto ng mga mambabatas.
Kinontra naman ni Roque ang mungkahi ng PACC na buwagin na ang Kongreso dahil bahagi aniya ito ng democratic system.