Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque dinipensahan Davao hospital sa P326M virus fund

0 458

Walang nakikitang mali si Presidential Spokesperson Harry Roque na napakalaking halaga ng kabayarang ibinigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa isang ospital sa Davao City, sa ilalim ng Internal Reimbursement (IRM) program nito para sa mga COVID-19 patient.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pahayag ni Roque nitong Miyerkoles, sinabi nito na “nothing irregular” sa P326 milyong IRM fund na binigay ng PhilHealth sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Sinabi ni Roque na ang SMPC ang pinakamalaking government hospital sa bansa at may 1,500 bed capacity ito, 65 dialysis chair, at 3,600 personnel. Ito rin aniya ang may pinakamataas na kita mula sa PhilHealth payment.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.