Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque hinarang ng FLAG sa ILC

0 39

Kinontra ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na mapabilang si Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission (ILC) ng United Nations dahil sa diumano’y kawalan nito ng integridad.

Sa isang sulat sa ILC, inakusahan ng samahan ng mga human rights lawyer si Roque ng pagiging “political partisan” at pinahina ang karapatang pantao at international law.

Binanggit ng grupo ang pagtatanggol ni Roque sa extrajudicial killings sa kampanya kontra droga at minaliit ang kakayahan ng International Criminal Court (ICC) sa pag-iimbestiga sa nasabing patayan.

“FLAG respectfully asks the Commission to peremptorily disregard the nomination of Mr. Roque and remove him from consideration for a seat in the Commission,” pahayag ng FLAG sa sulat na pirmado ng mga opisyal nito sa pangunguna ni Atty. Jose Manuel Diokno.

Samantala, tinawag ni Roque na ignorante ang grupong ayaw sa kanya na maging miyembro ng ILC. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.