Abante Tonite Interactive

Roque kay Andanar: Isyu kay Mocha aksyunan na

1,230

Dumistansiya si Presidential Spokesman Harry Roque sa isyu ng panibagong panawagan na mag-resign sa puwesto si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Sinabi ni Roque na naniniwala siyang alam ni PCOO secretary Martin Andanar ang mga nangyayari sa kanyang tanggapan kaya hahayaan niyang aksyunan ito.

Iginagalang aniya nito ang ang kapwa opisyal ng Palasyo kaya hindi kailangang makialam pa ito o manghimasok sa PCOO.

Pero dapat aniya na kumilos si Andanar at gawin ang nararapat na aksyon kay Uson lalo na at nasa ilalim ito ng kanyang panga­ngasiwa.

“I’m a firm believer in collegiality. I don’t have to speak to Martin Andanar. I think he knows what’s happening. And between two colleagues, he should be taking the corresponding action,” ani Roque.

Pinagbibitiw ni Philippine Information Agency Director Gene­ral Harold Clavite si Uson dahil sa kabiguang sumipot sa budget deliberation ng Kamara para sa budget ng PCOO.