Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque kumambiyo sa `living experiment’

0 223

Nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag nito tungkol sa pooled testing na gagawin sa Metro Manila para matukoy ang mga infected ng COVID-19.

Ito’y matapos siyang punahin ng mga netizen sa pagsasabing magiging “living experiment” ang Metro Manila sa paglaban sa COVID-19.

“Hindi naman po siya talaga completely experiment, siguro ang tamang salita diyan ay pilot o modelling. So siguro nga hindi tama `yong word na experiment, pero hindi pa kasi natin nagagawa `yong pooled testing dito sa Pilipinas,” ani Roque.

Kumpiyansa ang kalihim na kapag naipatupad ang pooled testing sa pamamagitan ng polymerase chain reaction (PCR) swab test ay makokontrol ang pagkalat ng COVID-19 katulad ng ginawa sa Wuhan sa China, South Korea, Vietnam, Germany, at Israel.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.