Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque lalarga sa West PH Sea

0 38

Nais ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pumunta sa West Philippine Sea, partikular sa Bajo de Masinloc at sa Kalayaan Islands para makita ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy na hindi umano pinapayagang pumasok sa naturang lugar.

Kasunod ito ng hamon sa kanya ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya na sumama sa kanila papunta sa Bajo de Masinloc para makita ang kalagayan ng mga mangingisdang Pinoy.

“Hindi ko po kinakailangan na kahit sinong humamon. Matagal ko na pong gustong pumunta roon,” tugon ni Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.