Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque may tip sa magdi-Divisoria

0 72

May mungkahi si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na hahabol sa pamimili ngayong Pasko at Bagong Taon sa mga matataong lugar, gaya ng Divisoria.

Sinabi ng kalihim na para makasigurong may social distancing, unatin ang dalawang kamay upang di lumapit o madikit ang katabi habang namimili.

Mahalaga aniya ang social distancing dahil mas matinding problema kapag nakapitan ng COVID-19 sa mga nakadikitan sa pamimili.

“Suggestion ko, kapag kayo ay mamimili sa Divisoria o saan mang maraming lugar, niganin ninyo ang kamay ninyo nang hindi lumapit sa inyo ang katabi ninyo dahil baka maya-maya, ventilator ang abot,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.