Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque: Miron bawal sa laro

0 233

Bawal pa ang spectators sa anumang sporting events o workouts kahit saang lugar na nasa ilalim pa ng community quarantine qualifications, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ipinahayag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na puwede na ang indoor at outdoor games pero wala dapat fans na nasa mga venue.

“The members of the IATF prohibited spectators in all outdoor non-contact sports and exercises in areas under general community quarantine (GCQ) and indoor and outdoor sports and exercises in areas under modified general community quarantine (MGCQ),” hirit ng opisyal.

Ang mga indoor at outdoor non-contact sports activities at iba pang exercise gaya ng running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian, at skateboarding ang pinayagang sports na makabalik sa ilalim ng GCQ at MGCQ.

Unang pinahintulutan noong Hulyo 3 ng Inter Agency Task Force ang pagpapatuloy sa practice para sa basketball at football teams sa kabila na may krisis pa rin sa kalusugan na hatid ng coronavirus disease.

“Pinayagan ‘yung practice at conditioning ng basketball at saka ng football sang-ayon sa request ng PBA (Philippine Basketball Association) at ng ibang football association,” panapos na wika ni Roque sa Laging Handa public briefing. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.