Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque nadikdik sa laban-bawi statement: Face shield `wag muna tanggalin

0 94

Nagmistulang laban-bawi ang Malacañang sa isyu ng paggamit ng face shield matapos magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi na panatilihin ang paggamit nito sa indoor at outdoor na mga lugar.

Batay sa tweet ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Twitter, pinanatili ng Pangulo ang pagsusuot ng face shield ng publiko matapos payuhan ng mga health expert sa panganib ng Delta variant ng COVID-19.

“Acting on the advice of health experts and in view of the Delta variant, the President declared that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory,” sabi ni Roque.

Nauna rito ay inihayag ni Roque sa kanyang press briefing nitong Lunes na maaari nang hindi mag-face shield sa labas maliban lamang sa mga lugar na inapela ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, partikular ang mga indoor o kulob na lugar.

“Ang malinaw po ganito, ha: Hindi na po kinakailangan ang face shield sa labas kasi hindi naman po inapila `yan ng IATF. Ang inapela lang ng IATF `yong pagsuot ng face shield sa loob kasama na po sa mga malls at iba pang mga commercial establishments at saka sa mga pampublikong transportasyon,” ani Roque.

Isa ang isyu ng face shield sa mga tinalakay sa pulong ng Pangulo nitong Lunes kasama ang mga opisyal ng IATF.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Roque na inaasahang ihahayag ng Pangulo sa “Talk to the People” nito ang magiging desisyon sa isyu ng face shield pero inunahan na niya ito sa pamamagitan ng kanyang tweet.

Umani ng reaksyon sa mga netizen ang naturang desisyon.

@rafalubigan: Nakakaloka kayo!!!

@btrzkji: May mas pag-uusap pa mga magkakagroup sa school kesa sainyo. Kung bibigyan namin kayo ng grade sa teamwork, 0…Wala kayong gc???

@thrsmnzn: Hala si sis kakabalita lang kanina sya mismo nagsabi na keriboomboom walang face shield sa labas. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.