Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque nag-self quarantine sa virus

0 56

Nagpasya si Presidential Spokesperson Harry Roque na mag-self quarantine matapos na magpositibo umano sa COVID-19 ang isa sa kanyang security aide noong Sabado, Setyembre 5.

Pero nilinaw ni Roque na hindi kabilang sa close-in security niya ang nagpositibong aide kundi nakatoka ito sa kanyang sasakyan.

Agad namang pinawi ng kalihim ang pangamba ng ilang miyembro ng media na nag-cover sa kanya noong Sabado dahil ang nagpositibo sa COVID-19 na aide nito ay nanatili lamang uman sa kanyang sasakyan.

“I myself got tested for COVID-19 last Saturday and it yielded a negative result,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.