Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque negatibo sa PCR test

0 279

Nakahinga ng maluwag si Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang lumabas na negatibo ang resulta ng COVID RT-PCR o real-time reverse transcription polymerase chain reaction test sa kanya.

Ginawa ang swab test ng kalihim nitong Martes sa pamamagitan ng drive-thru swab test project sa Taguig City.

Nauna rito, kinumpirma ni Roque na nakasalamuha niya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar noong Biyernes sa isang dinaluhang aktibidad at makalipas ng limang araw ay nag-anunsiyong COVID positive ito.

“I am pleased to announce that the results of my Rt-PCR test conducted yesterday in Taguig City yielded a negative result,” ani Roque.

Pero kahit negatibo ito sa COVID test, sinabi ng kalihim na susunod pa rin siya sa mga dapat gawin, gaya ng pagsailalim sa rapid test bago ang pulong kay Pangulo Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles ng hapon.

Sinabi ni Roque na pupuwesto siya sa pinakamalayong lugar sa meeting room at susundin ang mga pamgunahing pag-iingat para makasigurong ligtas sa COVID-19.

“As a precautionary measure, I will stay at the farthest end of the room and will apply the health protocol of wearing a mask, keeping distance and sanitizing and washing of my hands,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.