Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque: P18B nawawala kada araw ng MECQ

0 344

Nalulugi ang Metro Manila ng tinatayang P18 billion sa kada araw na umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng mga panawagan na palawigin pa ng hanggang katapusan ng buwan ang umiiral na community quarantine status sa National Capital Region.

Ayon kay Roque, kapag na-extend pa ang MECQ sa Metro Manila ay tiyak na sasadsad ng husto ang mga negosyo at kabuhayan ng mga mangaggawa.

“Ang estimate ay hindi bababa sa 18 billion pesos ang nawawala sa kada araw ng MECQ. Mas malaki pa ang mawawala kung mag-ECQ,” ani Roque.

Ito aniya ang dahilan kaya tinapat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi na wala ng pera ang gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.