Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque: Pa-victim si Ressa

0 358

Muling binanatan ng Malacañang si Rappler chief executive officer Maria Ressa matapos gamitin ang isyu ng ABS-CBN para batikusin ang gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw na naglalaro si Ressa para palitawing inaapi ang mga kalaban ng gobyerno.

“It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the non-renewal of the broadcast franchise of ABS-CBN after filing her `not guilty’ plea before a local court,” ani Roque.

Humarap si Ressa sa Pasig Regional Trial Court Branch 157 nitong Miyerkoles kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya at naghain ito ng not guilty plea.

Sabi ni Roque, hindi dapat ipilit ni Ressa na iugnay ang Malacañang sa desisyon ng Kamara kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang tv network dahil trabaho ito ng mga mambabatas.

Isang halimbawa ani Roque na walang pagsikil sa press freedom ay ang coverage sa pagharap ni Ressa sa korte. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.