Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque pinagdarasal pagtakbo, problema pondo

0 141

Pinag-iisipan at ipinagdarasal ni Presidential Spokesman Harry Roque kung tatakbo siyang muli sa pagka-senador sa 2022 elections.

Sinabi ng kalihim na mayroon siyang hindi natapos na agenda noong kongresista siya ng 17th Congress at marami siyang dapat na ikunsidera sakaling tatakbo siya sa pagka-senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aminado si Roque na matinding pagka-dismaya ang naramdaman niya nang umatras sa senatorial race noong 2019 dahil sa kanyang pagkakasakit.

“I continue to ponder and pray and although this I will say, gustuhin man po natin ay problema pa rin ang pondo,” ani Roque.

Napakahirap aniyang lumikom ng pondo sa mga panahong ito dahil sa epekto ng COVID pandemic at kailangan may malaking pera para manalo sa senado. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.