Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque sa mga Atenista: Babagsak kayo!

0 303

Nagbabala ang Malacañang sa mga estudyante mula sa Ateneo de Manila University na nagbabanta ng mass strike dahil sa umano’y kapabayaan sa mga nangyaring sakuna sa bansa tulad ng bagyo at COVID-19 pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, babagsak ang mga Atenista kung itutuloy ang strike at hindi magpapasa ng kanilang mga school requirement.

“Babagsak po kayo,” ani ni Roque na sinabi pang may karanasan din siya sa pagiging propesor.

SM food to go Banner Ad

“Kahit anong dahilan ng sinasabi niyong strike, ‘pag hindi kayo sumunod sa mga academic requirements, mawawalan kayo ng kinabukasan at hindi ga-graduate sa Ateneo,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa official student newspaper ng ADMU na The Guidon, higit 150 Atenista ang pumirma sa mass student strike, na nagsasabing hindi sila magsusumite ng alinmang school requirement simula Nobyembre 18 hanggang hindi natutugunan ng national government ang kahilingan ng publiko para sa maayos na pagtugon sa pandemya at mga kalamidad.

“We cannot sit idly by and do our modules, ignoring the fact that the Philippine nation is in shambles. We sacrifice what we have (that is, our access to education) for those who do not share our privileges,” pahayag ng student newspaper.

Hinimok din ng mga ito na mag-resign ang mga opisyal kung hindi magagampanan ang kanilang mga trabaho. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.