Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque sa mga kongresista: Konsensya pairalin sa ABS-CBN franchise

0 933

Ipinauubaya ng Malacañang sa mga kongresista ang pagboto ng naayon sa kanilang konsensiya kung bibigyan o hindi ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa harap na rin ng napipintong botohan ng mga mambabatas sa linggong ito sa hinihinging franchise ng tv network matapos na magsara anf kanilang operasyon.

“Vote according to your conscience,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Hindi aniya makikialam ang Palasyo sa isyu ny ABS-CBN dahil ito ay panloob na isyu ng Kamara.

Sinabi ni Roque na neutral si Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN issue kahit pa mayroon itong naging atraso noon sa kanya.

Napatawad na aniya ng Presidente ang ABS-CBN matapos humingi ng dispensa ang Pangulo nito na si Carlo Katigbak.

“Ang posisyon po ng Presidente,neutral po siya pagdating sa ABS-CBN. Humingi na po ng tawad sa kanya, pinatawad niya. Neutral po siya,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.