Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque sariling gastos sa tourism promo

0 365

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sariling pera ang ginagamit niya para i-promote ang turismo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng press briefing sa iba’t bang lugar sa bansa.

Matatandaang ilang press briefing ang ginawa ng kalihim sa labas ng Malacañang.

Noong Oktubre ay nagsagawa ito ng press briefing sa Panglao, Bohol. Dumayo na rin si Roque sa Boracay para i-promote ang turismo sa isla.

“It’s mostly my personal funds, no kidding,” sabi ni Roque sa kanyang press briefing na ginanap naman sa Palawan nitong Huwebes.

Inamin din nito na P800,000 lamang ang budget ng kanyang tanggapan kaya personal na pondo ang ginagamit niyang pera.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.