Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque sinampol ng Thai website vs coronavirus

0 172

Isang news website sa Thailand ang pinag-usapan sa social media dahil ang GIF ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ginamit para ipaalala sa kanilang mga residente na sumunod sa mga health protocol kontra COVID-19.

Nag-tweet ang Thai Enquirer ng GIF ni Roque sa isang online press briefing nito kung saan makikita ang ilang health protocol.

“We’re all in this together so we would just like to remind everyone reading to 1. Wash your hands constantly, 2. Always wear a mask, 3. Socially Distance,” ayon sa tweet ng Thai Enquirer.

SM food to go Banner Ad

Bigla namang nagpaliwanag ang pahayagan na hindi nila kilala si Roque at ginamit lamang ang naturang GIF dahil ito’y “round and Asian”.

Sinabi naman ni Roque sa inilabas na pahayag nitong Linggo na ang paggamit sa kanyang GIF ay pagpapakita lamang na epektibo ang kanyang mga mensahe ukol sa tamang pagsunod sa mga health standard para sa kaligtasan ng lahat.

Muling binigyang-diin ni Roque na mahalagang sundin ng lahat ang mga health protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID ngayong holiday season. (Raymark Patriarca/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.