Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque solo nag-swimming sa Subic

0 299

Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang nilabag sa pagbisita sa isang resort sa Subic kamakailan.

Ito’y matapos maglabasan sa Facebook ang kanyang larawan na nagsi-swimming sa resort sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Wala pong nalabag pero kung meron pong na-offend, paumanhin po. `Di po natin intensyon na tayo’y may ma-offend po,” pahayag ni Roque sa panayam ng TeleRadyo.

Lumabas ang larawan ni Roque sa Ocean Adventure Facebook kung saan makikitang nag-swimming ang kalihim kasama ang mga dolphin.

Nagpaliwanag si Roque na dumaan siya sa resort nang pumunta sa Mariveles, Bataan kung saan mayroon siyang negosyo sa agrikultura bago pa man pinatupad ang lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic.

“I was trying to wrap up po `yong mga negosyo ko noong wala pa ako sa gobyerno. Hindi ko naman po magawa nung sarado po ang Bataan,” paliwanag pa ni Roque.

Sinabi pa nito na siya lang ang bisita sa naturang resort noong oras na iyon. Nabatid na iyon ang unang araw ng pagpapatupad ng modified general community quarantine.

“I can assure po dahil paulit-ulit naman nating sinasabi ang rules pero paumanhin pa rin po kung hindi nagustuhan ang mga larawan,” aniya pa.

Giit pa nito na isa siyang authorized person outside residence o APOR at sinamantala ang pagkakataon para makabiyahe sa Bataan. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.