Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roque tinabla: UP-OCTA `di mananahimik sa COVID

0 96

Walang balak ang OCTA Research Team ng University of the Philippines (UP) na sumunod sa apela ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itigil ang paglalabas nila ng mga datos at rekomendasyon kaugnay ng pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Prof. Ranjit Singh Rye na nagpulong ang kanilang grupo at napagkaisahan na tuloy ang pag-uulat hinggil sa COVID.

“Unang-una, bagamat gusto talaga namin tumulong sa gobyerno sa kolektibong laban natin against COVID-19, ang accountability namin ay sa taumbayan,” dagdag ni Rye.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw din nito na gusto lamang nila bigyan ng kaalaman ang mga tao para malaman ang tunay na kondisyon ng COVID-19 sa bansa at makapagdesisyon ng mas maayos kung paano poprotektahan ang kanilang sarili.

Una nang nilinaw ni Roque na personal na opinyon lamang ang kanyang suhestiyon at hindi posisyon ng Malacañang.

Sabi ni Roque, dapat magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa quarantine classification nang walang pressure mula sa sinomang tao o anumang grupo.

“Let the political leader decide pursuant to what he thinks is best for the country. I think that is number one, a good way of deferring to the wishes of the people who elected the President to make these kinds of decisions in the first place,” pahayag ni Roque sa panayam sa tv. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.