Abante Tonite Interactive

RoS, 4 na iba pa walang mahagilap na mga import

578

Sa May 19, babalatan ang midseason tournament Commissioner’s Cup ng PBA.

Tampok sa conference ang reinforcements na hindi lalagpas sa taas na 6-foot-9.

Ikatlong linggo ng Abril ay may nagsabi na kung sino ang ipaparadang import, pero may ilan na papasok na ang Mayo ay wala pang nababanggit.

Kabilang dito ang GlobalPort, Meralco, Rain or Shine at TNT KaTropa.

Sinabi ni Texters coach Bong Ravena na kinakausap pa nila ang import na balak tapikin.

Inaasahang sa susunod na linggo ay mapipinalisa na ang negosasyon sa kanilang prospect na pansamantala ay hindi pa pinapangalanan.
(Vladi Eduarte)