Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosales hanap pa ng piyesa

0 225

Hindi maganda ang performance ng Terrafirma Dyip sa nakaraang 45th PBA season, kaya hinahanap pa ng koponan ang ‘missing pieces’ na pupuno sa mga kakulangan ng koponan para sa ika-46 na edisyon ng pro league.

Sa panayam kay Terrafirma team governor Bobby Rosales sa ‘The Chasedown’, ipinaliwanag niya ang naging proseso sa pagkaroon ng trade talks kaugnay ang kanilang star player na si CJ Perez sa San Miguel Beer 2021 first round pick kasama ang tatlong bench player.

“Wala namang question, kasi CJ Perez is a very good player. But medyo unfair din sa kay CJ na kakargahin niya yung buong burden kahit gaano kagaling siya. Ang sabi nga ng top management sa amin, ‘you will not gain fans, you will not gain the respect of competition, or even top management if you don’t start winning games,” lahad ng Dyip official.

Nitong Biyernes pumutok na papakawalan ng Terrafirma si Perez sa San Miguel Beer kapalit nina Russel Escoto, Gelo Alolino, Matt Ganuelas-Rosser at SMB first-round pick sa darating na 36th PBA Rookie Draft sa March 14.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“To get all this missing pieces (of the team), ofcourse mahirap kunin sabay-sabay, but to be able to get them also we have to look around saan ba pwede kumuha- ofcourse the forth coming Draft is one source. Unfortunatley nga, isa lang ang pick namin sa first round rather, wala kaming second round pick tapos sa third round na kami makakapili ulit. It was a process really,” kwento ni Rosales. “If we really want to get something of value, you have to give up something of value also,”

Binigyang diin din nina na naging masaya naman ang koponan sa performance nf two-time scoring champion.

“Definitely,” giit ni Rosales. “Alam ng lahat na magaling si CJ. So, mataas din ang expectation to the point na siguro nga, naging unfair din para sa kanya na ike-carry niya lahat ng burden. Mahirap manalo din ng nag-iisa. Alam naman natin lahat yun sa basketball. Happy naman kami (with him). There are no differences with CJ. Maganda naman ang rapport namin kay CJ kaya nga lang there’s a certain point kasi na you have to make a tough call also. People may disagree, and we respect that opinion.”

Hindi rin umano humingi ng trade request ang 27-year-old cager mula sa Terrafirma.

“Hindi naman. Si CJ is very professional. He did not ask for a trade,” panapos na pahayag ni Rosales. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.