Abante Tonite Interactive

Rosanna ‘di pikon na tabatsina

369

Kahit pintasan at pansinin na nagiging malusog na talaga ang katawan ni Rosanna Roces na kabaligtaran noong siya pa ang tinaguriang TF Queen ng showbiz, ay hindi siya napipikon, dahil ang katuwiran niya ay masaya siya ngayon sa kanyang buhay, at napakasarap din daw kumain.

“Palagi kasi akong busy sa kitchen at nagluluto kapag nasa bahay. Mahirap magpapayat kapag masarap kumain. Diyos ko, ngayon pa ba naman ako matatakot na tumaba, eh, hindi na ako nagpapaseksi? Iba na ang gusto kong mapanood nila sa akin,” wika ni Osang.

Happy si Rosanna dahil nakasama siya sa teleseryeng “Los Bastardos” ng ABS-CBN. Mahilig naman siya talaga sa drama. “Nasa Seiko Films pa lang ako noon, gusto ko na talagang drama ‘yung ipakita sa mga tao. Kaso, hubaran noon ang uso,” aniya pa.

Abante Hiring – IT dep

Mahal ni Rosanna ang kanyang trabaho. Hindi naman pag-aartista lang ang gusto niyang gawin habang narito siya sa showbiz. Paliwanag pa niya: “Sinubukan ko rin, naging co-director ni Direk Buboy Tan sa kanyang pelikulang ‘Baklas’ noon. Pero tantiya ko sa sarili ko ay hindi ko linya ang magdirek. Kaya kung maraming datung, magpo-produce na lang ako.”