Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosario, TNT hirit sa Game 3

0 103

Game 4 bukas (AUF gym)
6 pm – Ginebra vs. TNT
Gin Kings lead series 2-1

Smart Clark Giga City – Nagpakita sina Troy Rosario at Poy Erram sa Smart 5G-powered AUF gym, at dinomina ng TNT ang Ginebra 88-67 para ilapit ang PBA Philippine Cup Finals series sa 2-1.

Game 4 bukas sa parehong venue.

Nag-average si Rosario ng 9.5 points sa first two games, Biyernes ng gabi nan humarabas ng 15 points mula 7 of 9 shooting. Nag-deliver si Erram ng 12 points, 14 rebounds at 3 assists. May tig-2 blocks pa ang dalawa.

May 14 points si RR Pogoy sa middle quarters tungo sa team-high 18 points, double-double na 15 points at 10 assists si Jayson Castro at 14 markers pa kay Simo Enciso.

Naging problema ng Gin Kings ang second quarter, galing pa lahat kay Aljon Mariano ang tatatlong naipasok sa 16 na pukol ng team.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabila, 10 of 23 naman ang TNT mula sa 11-0 run sa period para umagwat 44-34 sa break.

Inilayo ng 3-pointer ni Enciso ang TNT 80-61 kalagitnaan ng fourth, isa pang tres niya ay nilista ang biggest lead 88-66, 76 seconds na lang.

Franchise low ng Ginebra sa ilalim ni coach Tim Cone sa Finals ang final score nila. Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, lowest output din ito ng alinmang team sa Finals pagkatapos matalo ng Talk ‘N Text 82-66 sa B-Meg na hawak ni Cone sa Game 3 ng 2012 Commissioner’s Cup.

Maagang nagpasabog ng 12 points si LA Tenorio sa first quarter, mula roon ay naka-7 na lang pero namuno pa rin sa Gins.

Nagsumite si Japeth Aguilar ng 15 points at 9 rebounds, naigapos si Stanley Pringle sa 11 points mula 4 of 14 shooting. Nagkasya sa 8 points si Mariano matapos maglista ng 20 noong Game 2. Ang iskor: TNT 88 – Pogoy 18, Castro 15, Rosario 15, Enciso 14, Erram 12, Washington 9, Reyes 5, De Leon 0, Semerad 0, Montalbo 0, Vosotros 0, Flores 0.

Barangay Ginebra San Miuel 67 – Tenorio 19, Aguilar 15, Pringle 11, Thompson 8, Mariano 8, dela Cruz 3, Dillinger 2, Chan 1, Tolentino 0, Caperal 0, Devance 0, Balanza 0.

Quarters: 21-26, 44-34, 66-56, 88-67. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.