Abante Tonite Interactive

Rosaryo ni Victolero ‘Di agimat, panata lang

632

Bilang isang sarado Katoliko, hindi kinahihiya ni Magnolia Pambansang Manok coach Ercito ‘Chito’ Victolero ang pagsusuot ng rosar­yo tuwing may laro ang Hotshots sa Philippine Basketball Association.

Ayon sa kanya, matagal nang nasa kanya ang nasabing rosaryo mula noong naglalaro pa siya sa collegiate league (National Collegiate Athletic Association).

“May paniniwala ako. Katoliko sarado ako. Since Mapua (University) days pa ito, since naglalaro ako (in the college leagues),” eksplanasyoni ni Victolero sa panayam ng Spin.ph.

Ngayong Semana Santa, may panata o taunang tradisyon ‘di ginagawa ang 43-anyos na si Victolero gaya ng din ilang Pilipino.

Kinuwento niya na tuwing Huwebes Santo ng gabi bawat taon, na naglalakad din siya mula sa kanilang bahay patungo sa simbahan ng Divine Mercy sa Bulacan.

At wala raw balak ang 2018 PBA Governors’ Cup champion coach na ihinto ang kanyang panata.

Kahit pa nasa kalagitnaan ng best-of-seven semifinals ang Hotshots kontra Rain or Shine sa PBA Philippine Cup.

Iwan sa 1-2 ang mga manok laban sa Elasto Painters sa serye. Pero kakahirit lang nitong Martes ng gabi 85-74 tapos madalawahan, 84-77 at 93-80. ­(Fergus Josue, Jr.)