Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rosauro gigil kay Yang

0 45

Naniniwala si Pinoy fighter Roel Rosauro na madugo ang magiging bakbakan nila ni James Yang ng United States sa ONE: Revolution sa Singapore sa Setyembre 24.

Matapos matalo ng dalawang beses sa unang tatlong laban, determinado ang Cebu-based Muay Thai veteran, na makakaprodyus siya ng magandang resulta laban kay 32-year-old na American.

“I expect it to be a bloody fight and may the best man win,” saad ni Rosauro Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabigo si Rosauro laban kina Li Kai Wen ng China at Indonesian ‘The Terminator Sunoto bago nagtala ng panalo kontra kay Yohan Mulia Legowo ng Indonesia noong Enero 2020.

Kilalang tigasin si Yang pero hindi nasisindak si Rosauro at sabik nang makipag-upakan.

“I know he’s a good fighter. But I’m not worried at all because I know all I need is to give it my best,” panapos niyang pahayag. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.