Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rose Lin nagpasalamat sa Distrito 5, tagasuporta

0 51

Pinasalamatan ng leading congressional candidate ng District 5, Quezon City ang lahat ng nagtiwala at sumuporta sa kanya sa simula pa lamang ng kanyang laban na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente sa nasabing distrito.

“Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat. Dahil ako lamang ang magsisilbing boses ninyo sa Mababang Kapulungan at dadalhin ko kung ano ang hinaing ninyo tungo sa isang masaganang bukas para sa lahat ng mamamayan ng Distrito 5. Maraming maraming salamat po.”

Ayon kay Ate Rose Lin, isang malaking hamon sa gaya niyang isang baguhan at wala pang karanasan na pasukin ang politika.

“Pero dahil ako po ay pinag-aral at nagabayan ng mga Paring Agustinian, ako po ay naging matatag at ipinasa-Diyos lang po ang lahat.”

Nais niya ring ibalik, lalo na sa mga kabataan ang pagpapaaral na naranasan niya sa mga Agustinian Priests. Kaya itinatag niya ang isang scholarship grant, kung saan lahat ay puwedeng makapag-aral ng libre hanggang sa makatapos ng walang maintaining average.

Sinabi naman ni Atty Manuel Jeffrey David, abogado ni Lin na kahit ano pa ang paninira sa kandidata ay hindi ito makakaapekto sa kanyang botante at mataas na surveys.

Kaya naman tiwalang-tiwala ang kampo ni Ate Rose Lin na nasa kamay na nila ang tagumpay.

Kaugnay pa nito, sinabi rin ni Atty. David na makikipagtulungan sila sa lahat ng kanilang mga nakatunggali, “Kami naman ho, iyan ang pananaw namin. Kasi alam namin kapag palarin kaming manalo, kailangan din naman namin ang tulong nila. Kailangan din namin silang kupkupin. Stakeholder sila dito, kasi sila yung matagal na sa distrito. Sila yung matagal ng nakakaalam ng mga pangangailangan ng distrito, pasensyahan na lang tayo hindi natutugunan. Pero ang point namin dito is yan ho ang intensyon namin dito,” ayon kay Atty. David.

Leave A Reply

Your email address will not be published.