Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rose pantasya si Daniel

0 75

NI: NONIE NICASIO

Palaban ang taglay na kariktan ni Rose Manalo. Ito ang mabibistahan sa kanyang seductive na larawan.

Pansinin ang kanyang kaseksihan at tiyak na maku-curious ang maraming boys sa kanyang isang boob na sinapo lang ng kamay ni Rose. Ang lantad na kalahating kahubdan niya ay tiyak na magpapalikot sa imagination ng maraming barako.

Panlaban din ang kanyang balingkinitang katawan, na animo tinatakam ang mga barakong makasisilip sa kanyang hotness. Sa ganyang porma ni Rose, sadyang panalo ang kanyang alindog na taglay.

Si Rose ay may taas na 5’7 at ang hobby niya ay magbabad sa gym para mag-workout. Type niya rin ang mag-hang out with friends, food trip, at manood ng Netflix. Siya ay kumukuha ng kursong Office Administration.

“I’m a freelance event model & Brand Ambassadress for different brands. I’m also a freelancer for commercials and teleserye.

“I have a lot of showbiz crush like Ian Veneracion, Freddie Webb, John Estrada, Jericho Rosales… but Daniel Padilla is on top, kasi since high school pa lang ako crush ko na siya,” nakangiting saad ni Rose.

Siya ang tipo ng babaeng misteryosa ang dating at type pagpiyestahan ng maraming barako. Walang lalaking magsasawa sa kanyang angking kariktan.

Sa lakas ng sex appeal ni Rose, nanunuot sa puson ng mga boylet ang kanyang porma. Ang klase niyang hottie ang type puntiryahing masilip ng mga hot blooded male.

Leave A Reply

Your email address will not be published.